Bakit Lagi Kang Rejected


"Pagiisipan ko"
"No, I'm not interested!"
"I'm contented with my job"
"Wala akong time"
"Deadma gallore"
In short nareject ka, na naman!

Ang ganda ng presentation mo, naka dress to kill ka pa, gumamit ng pinakamahal na pabango, sinagot lahat ng tanong ng prospects pero ang ending... rejected ka na naman..
While being rejected is a part of our business, do you ever wonder why mas marami nagrereject sayo kesa sa ibang networker na halos hindi naman ganoon kadalas narereject?
                Maybe you are missing an itsy bitsy tiny little ingredient kaya ka narereject, let me share with you.

"People don't care if you know, they care if they know you care"

May mga tao pala na walang pakialam kung alam mo ang statistics ng mga mahihirap at unemployed sa bansa..
May mga tao pala na walang pakialam kung alam mo na maraming may sakit sa mundong ito..
May mga tao pala na walang pakialam kung produkto nyo ang pinakamaganda sa lahat..
May mga tao pala na walang pakialam kung pinakamaganda ang marketing plan ng company nyo..
May mga tao pala na walang pakialam kung ang company nyo ang pinakapower sa lahat..

Ang pakialam nila ay kung meron kang pakialam sa sitwasyon nila...

Did you care to ask if gusto pa talaga nilang kumita ng milyon milyon or kung kuntento na sila na kumita ng libo libo..
Did you care to ask what their current situation is?
Did you care to ask about their current feelings?
Kinumusta mo ba sila bago ka nagpresent at nagpower power?
Sinigurado mo ba na kailangan nila ng product mo?

Dapat iparamdam mo sa prospect na magppresent ka dahil gusto mo siya matulungan at hindi dahil gusto mo siyang pagkakitaan.

You should adjust your presentation based on your prospects' needs and current situation kaya importante na kamustahin mo muna sila bago ka magpresent.

For example, nalaman mo na apat ang anak niya at nagaaral lahat at employee siya na 5k lang ang sweldo kinsenas, why not ask the prospect "Anong feeling mo pagtulungan natin ang negosyo at makakuha ka ng check na 5k pataas isang buwan, pangallowance ng mga bata, tapos yung 5k na kikitain mo sa work mo, isave mo nalang or ipampasyal mo sa kanila?"

Instead of saying "Ang company namin ang pinakamaganda sa lahat, kikita ka dito ng 1 milyon isang buwan, pag ininom mo ang product namin magiging si superman ka"

Kelangan yan lahat pero adjust mo according to the prospects needs. Mas makikinig siya at magiging open sa opportuity na pinapakita mo kung alam niya na you care about his/her situation :-) 




Your Partner to Success 













Al Grey Tullao

P.S. Don't forget to comment below. Share this also sa mga downlines, uplines, crosslines mo kung sa tingin mo dapat din nila ito mabasa.

Thank you