Ninja Moves Facebook Marketing Strategies

  • Bakit Parang Walang nagpupunta sa website ko pag nag popost ako ng links mga dito sa facebook?
  • Bakit parang walang nakaka-kita ng mga pino-post ko dito sa facebook? 
  • Bakit parang walang nag iinquire sa aking tungkol sa business ko? 
  • Bakit parang di nila sineseryoso pag sinasabi ko yung business ko?


Natanong mo na ba ‘tong mga ‘to sa sarili mo?
Continue reading

Continue reading para malaman mo kung bakit...

Nakakapag taka naman talaga ‘di ba? Post ka ng post sa FB pero parang walang nag i-inquire sa'yo. Nagpost ka na ng sandamakmak na links, kung ano anong mga pictures, etc. pero parang walang nakaka-kita...

Facebook ay di na kagaya dati na basta magpost ka sa wall mo, lahat ng friends mo ay makikita yung post mo. Dati kasi simple lang, kung gaano kadami yung friends mo, basta may ipost ka sa wall mo, kita lahat yun ng mga friends mo.

Pero ngayon ‘Di na ganun ang Facebook. Ang dami kasing nag abuse ng ganung feature ng FB. Ang nangyari post lang ng post ang mga tao ng ads. Can imagine na lahat ng nakikita mo sa News Feed mo ay puros ads lang? Kabwusit di ba? Baka hindi ka na mag log in sa facebook kasi puro  ads na lang ang nakikita mo..

People don't like ads, Isipin mo na lang pag nanunuod ka ng TV di ba badtrip pag comercial. Ang wish mo sana wala na lang comercial puro yung paborito mong show, story, movie na lang ang napapanuod mo?

Facebook wants to keep their users and members happy all the time and this is why gumawa sila ng paraan,facebook simply change their rules.


Ngayon kapag nag post ka sa wall mo, ang mga makakakita nalang nun ay yung mga tao na lagi kang may interaction, yung mga tao na lagi mong kachat, yung mga tao na naglike, nagcomment or nag-share ng mga pinopost mo.

Eto ang problema... kapag ang ginagawa mo lang ay mag post lang ng mag post sa facebook wall mo ng links, ads, etc... pero di ka gaanong nakikipag interact sa mga friends mo, most likely kaunti lang ang mga tao na makakakita ng mga posts mo.

Pansinin mo yung News feeds at Notifications mo, ang mga madalas na nakikita mo lang ay yung mga post ng mga taong palagi mong ka chat or mga latest mong ka-interact.

Kaya kung gusto mo na magamit ang facebook ng mas effective sa i’yong business,

Go for interaction and engagement.

Kailangan ang goal mo every time na magpo post ka sa Facebook ay madaming mag like, mag share or mag comment dun sa pinost mo. Paano natin gagawin yun?

Ngayon na alam mo nang people don’t like ads di ba? So ano ang ipopost mo ngayon? Anong gagawin natin para mas maging effective ang pag market mo sa facebook.

Kaylangan malaman muna natin saan bang mga bagay nagiging interesado ang mga tao. Ano ba yung mga post na madalas nilang i-like, i-share at lagyan ng comment.

Here’s What I found out... ang mga tao ay mas nag i-interact sa 4E’s. Ano yung 4 E’s na yun?

Mga post na something:

§          Empowering (Inspiring)
  Educational
  Entertaining
  Enlightening

Kahit Video, Picture or text man yan, basta yan ay Empowering, Educational, Entertaining at Enlightening. People will love it and interact with your posts.

Ang tanong, saan ko naman ipopost yung opportunity or link ko. Paano ko ipopromote yung opportunity natin? Or yung Website at Ads ko?

Here’s the answer... Make sure to balance your facebook post using 60-80% more about your personal life or something na pasok sa 4E’s , at 20-40% naman about your business.

For example, kung ngayong araw na to ay limang na beses kang mag popost sa wall mo, Pwedeng yung 3 or 4 na post ay something na tungkol sa personal life mo at something na pasok sa 4E’s. And then yung 1 or 2 na post mo ay something about our business. Another tip is use image a lot sa mga posts mo, It increase interaction dramatically.

Ninja Marketing (Ninja Moves) ... Ayos sa pangalan di ba? Pwede din naman na kahit yung post mo ay something about your personal life or something Empowering, Educational, Entertaining at Enlightening... maaari ka pading mag lagay ng link papunta sa website/squeeze page mo. I do this a lot and It is very effective for me.


For example pwede kang mag post ng something na educational. Halimbawa ay tungkol sa financial education, business in general, about entrepreneurship, pero sa dulo nung post mo ay may nakalagay na link mo. Kapag nagustuhan ng tao yung post mo guess what? They will click your link and they will share your post kasama yung link mo and it can became Viral.

Kaya tinawag na Ninja Facebook Marketing kasi yung posts mo ay hindi mukang Ads pero Ads talaga sya. :) Nag popromote ka pero parang ang dating ay nagshashare ka lang ng mga valuable content.



Additional Tips:

Add friends in a consistent basis: Now hindi ko ire-recommend na mag add ka lang ng mag add ng mga random friends. Add targeted friends. You can visit Group pages na dedicated for positive minded people. Group pages of Network Marketers, About Success, Etc.

WARNING: Pag nag add ka ng madaming friends ay pwedeng ma suspend ang account mo. What I recommend is consistently add new friends daily but in random quantity. For example today add 5, tomorrow ad 3, The day after tomorrow add 8, etc.

Join groups in your niche: you will meet a lot of people with same mindset by joining groups na related sa MLM, network marketing, Entrepreneurship, Positive Minded, etc.
The members of those Groups ang best prospect to tap.

Increase Engagement: Chat a lot, interact in groups, make your posts likeable.
In your posts, ask people to like, share like or comment to your posts (ex: share or like if you agree, share or like if you like this, etc.). I also found out na people are more interested in people lives, So make sure to share what is happening with you. San ka nagpupunta, anong mga nangyari sa yo sa araw na ‘to. Etc.

Use a friendly/Presentable/Smiling Profile Picture: Kapag may ka-chat ka sa facebook, they look a lot sa profile pics mo, at kung ano yung picture na nakalagay dun gives them some immediate impression habang nakikipag chat sayo.

Just Imagine yung nagiging impression mo tuwing may ka chat ka sa facebook tapos ang profile pic nya ay nakasimangot. O kaya naman nakatalikod. O kaya Logo or Letter. Cartoon character.

Clean your wall: Delete all ugly and unwanted posts na nasa wall mo, Ex: Ads ng iba, Picture na tinag sayo ng mga spammers, Games, Apps invitation, etc.


Your Friend and Partner to Success















P.S. 
Don't forget to comment below. Share this also sa mga downlines, uplines, crosslines mo kung sa tingin mo dapat din nila ito mabasa.